IMMIGRATION OFFICERS BAWAL MAG-TIKTOK (Kapag nasa duty)

IMMIGRATION OFFICERS BAWAL MAG-TIKTOK (Kapag nasa duty)

MULING naglabas ng babala ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang mga tauhan at officers na nakatalaga sa mga international flights sa pagpo-post ng mga Tiktok videos nila habang nakasuot ng uniporme at naka-duty.

Sa memorandum na inilabas ni Immigration port operations chief Atty. Carlos Capulong, maaaring maharap sa kasong administratibo tulad ng ‘insubordination at misconduct’ ang sinumang tauhan nila na susuway sa kautusan.

Ito ay makaraang makarating mismo kay Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga ulat na ilang Immigration officers na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang patuloy na nagpo-post ng Tiktok videos habang naka-duty at nakasuot pa ng uniporme.

“I was instructed by Commissioner Morente to hold these errant employees liable by forwarding their cases to our board of discipline for investigation and filing of the appropriate administrative cases,” ayon kay Capulong.

Unang ipinagbawala ng pagti-Tiktok habang naka-duty ng mga tauhan ng BI noong Disyembre 2020 dahil sa nakakabawas umano sa imahe ng ahensya ito at hindi magandang gawain ng mga empleyado na kailangang panatilihin ang propesyunalismo at integridad.

Iginiit ni Capulong na nananatili rin ang ban sa paggamit ng cellular phones at iba pang kahalintuad na gadgets habang naka-duty.

Leave a Reply

%d bloggers like this: