NAMAMAHALA SA DOLOMITE BEACH, KINASTIGO NG DOH

NAMAMAHALA SA DOLOMITE BEACH, KINASTIGO NG DOH

KINASTIGO ng Department of Health (DOH) sa ahensyang namamahala sa Manila Bay Dolomite Beach na pinagsabihang tiyakin na nasusunod ang protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) makaraang tinatayang 65,000 tao ang dumagsa dito noong nakaraang Linggo.

“Ang ating mga ahensya may responsibilidad kayo to prevent these mass gatherings kasi kung ganito lang po ang mangyayari sa’tin babalik po tayo sa dating paghihigpit at ayaw po natin lahat yan,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon sa DOH, ang pagsisiksikan ng mga tao sa dolomite beach ay paglabag sa alituntunin na itinakda ng IATF partikular ang pagpapanatili ng ‘physical distancing’ at ang 50% kapasidad sa ilalim ng Alert Level 3.

“I call on all our national agencies, whatever was discussed in IATF, whatever safety protocols we’re now implementing this is for the good of our population. Kailangan ipatupad po natin yun,” giit ni Vergeire.

Ang Manila Bay Coordinating Office (MBCO) na nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang namamahala sa dolomite beach. Nasa pamamahala ito ni deputy executive director Jacob Meimban Jr.

“Kung nakikita nating hindi kaya katulad ng sinasabi ng official masyadong madami hindi kaya ipatupad, let’s regulate that. Baguhin po natin siguro ang proseso pero kailangan po makatulong po namin kayong lahat para mapigilan ang pagtaas ng kaso dito sa NCR and even other parts of the country,” dagdag pa ni Vergeire.

Leave a Reply

%d bloggers like this: