PILIPINAS, LOW RISK NA SA COVID

PILIPINAS, LOW RISK NA SA COVID

INILAGAY na ng Department of Health (DOH) ang buong bansa sa ‘low risk classification’ sa COVID-19 dahil sa malaki at patuloy na pagbaba ng mga kaso sa nakalipas na dalawang linggo.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, lahat ng rehiyon sa bansa ay nakakapagtala na lamang ng moderate-risk at low-risk classification.

“Nationally, we are at low-risk case classification with a negative two-week growth rate at -48% and a moderate-risk average daily attack rate at 5.89 cases per every 100,000 individuals,” ayon kay Vergeire.

Sa datos pa ng DOH, bumabaga ang bed utilization rate ns 41.15%, mechanical ventilator utilization rate na nasa 37.65%, at ICU utilization rate na naitala sa 53.15%.

Gayunman, mayroon pa ring anim na rehiyon sna mayroong high-risk ADAR. Kabilang dito ang Cagayan Valley na may 18.53, Zamboanga Peninsula na may 8.02, Cordillera Administrative Region na may 27.30, MIMAROPA na may 7.09, Ilocos Region na may 7.18, at National Capital Region na may 8.56.

Nasa high-risk pa rin naman ang ICU utilization rates sa Cagayan Valley (88.57%), Bicol Region (71.43%), at Zamboanga Peninsula (71.23%).

Sa National Capital Region (NCR), mayroon na lamang itong ADAR na 8.56 per 100,000 population mula sa dating 18.30 at nasa ‘moderate risk classification’.

Leave a Reply

%d bloggers like this: