CAYETANO, MASAYA SA PAGIGING INDEPENDENT

CAYETANO, MASAYA SA PAGIGING INDEPENDENT

Nanindigan si dating House Speaker Alan Peter Cayetano na mananatili itong independent candidate bilang senador sa kabila ng panawagan nito sa mga presidential aspirants na magkaiasa sa plataporma para makabagon ang bansa laban sa COVID-19 pandemic.

“I’m happy being an independent, and I think it will give me the ability to talk to all the presidentiables who are willing to talk,” sabi ni Cayetano sa mga mamamahayag sa gitna ng pamamahagi ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act ni Pangulong Rodrigo Duterte mga coconut farmers sa Lucena City, Quezon.

                Si Cayetano, na dating naging running mate noong 2016 ni Pangulong Duterte, ay nagsabing simbolo umano ang pagkakaloob ng nasabing batas para sa coconut industry mula sa panahon ng Marcos-era coco levy assets.

It’s more sentimental, because we made a promise to coconut farmers together dito sa Quezon… So ayun lang, I mean, there’s no conflict in being a statesman and being a politician ‘di ba, dapat nababalanse din,” sabi pa ni Cayetano.

Nilinaw rin nito na ang pagiging kinatawan nito ay hindi patunay na iniendorso nito  ang Duterte administration at tanging isiusulong ito ang pagtupad sa pangako sa nasabing sektor.

 “My presence here doesn’t mean I agree with everything that’s happening with the administration, but hindi din dapat mawala du’n sa mga mabubuting kailangan gawin at tapusin,” he sabi nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: