DENR DAPAT KASUHAN NA NG IATF SA ‘SUPERSPREADER’ SA DOLOMITE BEACH

DENR DAPAT KASUHAN NA NG IATF SA ‘SUPERSPREADER’ SA DOLOMITE BEACH

HINAMON ni Manila City Mayor Isko Moreno ang Inter-Agency Task Force (IATF) na ipatupad ang batas at sampahan ng kaukulang kaso ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa naganap na ‘mass gathering’ sa Manila Bay Dolomite Beach.

Sinabi ni Moreno na kabilang siya sa nangangamba na ang pagsisiksikan ng libo-libong tao sa dolomite beach ay maging ‘super spreader event’ na magiging banta sa pagbalik muli ng COVID-19 surge.

“File charges in violation [of health protocols] sa mga kapwa nila nasa national government,” hamon pa ni Moreno sa IATF, sa panayam sa telebisyon.

“If they cannot implement it within their offices, then there is no point implementing it sa mga taongbayan.”

Ikinatwiran ng alkalde na hindi umano nakipagkoordinasyon sa kanila at hindi sila sinabihan ng DENR sa pagbubukas ng dolomite beach.

“Sila ang nagpapatupad, sila din ang lumalabag,” ayon pa sa alkalde, na ang tinutukoy ay yaong presensiya maging ng mga batang 12-anyos pababa sa lugar.

Matapos ang mga pagtuligsa, ipinag-utos na ng DENR na ipagbawal ang pagpunta ng mga batang 12-taong gulang pababa sa dolomite beach. Isasara rin ang beach sa panahon ng Undas o mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.

Leave a Reply

%d bloggers like this: