NCR LOW RISK NA SA COVID

NCR LOW RISK NA SA COVID

NAILAGAY na rin sa ‘low risk classification’ ang National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso sa rehiyon, ayon sa OCTA Research Group.

Ayon kay OCTA member Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, ang positivity rate sa NCR ay bumaba pa sa 6% habang ang average daily attack rate ay nasa 6.36 na lamang o -7 per 100,000 population.

Ang anunsyo ng OCTA ay isang araw makaraang ihayag naman ng Department of Health (DOH) na nasa ‘low risk classification’ ang buong Pilipinas.

Labis na bumaba rin ang ‘seven-day average’ sa 901 mula sa 1,405 noong nakaraang linggo.

Bumaba rin ang healthcare utilization sa 35% habang ang intensive care unit occupancy rate ay bumaba na rin sa 46%.

Tanging ang siyudad ng Mandaluyong, San Juan, at Valenzuela na lamang ang nananatiling nasa moderate risk sa COVID-19 sa rehiyon dahil sa ADAR ng mga ito na mas mataas pa sa 10. Ang natitira pang ibang lokal na pamahalaan ay pawang nasa low-risk na rin.

Leave a Reply

%d bloggers like this: