SOLON, NABAHALA SA TUMATAAS NA SUCIDE AT MENTAL HEALTH CASES

SOLON, NABAHALA SA TUMATAAS NA SUCIDE AT MENTAL HEALTH CASES

Nagpahayag ng pagkabahala si Quezon City Rep. Alfred Vargas sa dumaraming bilang ng mga kaso ng nagpapakamatay ngayong panahon ng pandemya.

                Ayon sa kongresista, lubha nang nakakabahala at hindi na dapat pang balewalain ang inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 57 porsiyento ang naging pagtaas ng  suicide rate sa bansa noong nakalipas na taon.

Idinagdag pa sa PSA report na umabot sa 4,420 suicide deaths ang naitala noong 2020 na mas mataas kung ikukumpara noong 2019 na nasa 2,810 lamang.

 “These must be addressed immediately and conscientiously” by the Department of Health (DOH) and other related agencies through pro-active and accessible programs and services,” sabi ni Vargas.

Sa inihain nitong House Resolution 2312, hiniling nito sa Kongreso na alamin ang dahilan ng pagdami ng bilang ng nagpapakamatay at mental health issues ngayong panahon ng pandemya.

 “Amidst the aggravated challenges brought about by the COVID-19 pandemic, the government must explore and employ the best strategies to address the mental health situation of the public, and provide proactive, accessible, and affordable services and programs for all,” nakasaad sa resolusyon.

                Maliban sa suicide cases, tumaas din aniya ang bilang ng mga kaso ng mental health issue.

                Ayon sa National Center for Mental Health (NCMH) dumadami ang natanggap na tawag sa hotlines  nito nang ipatupada ang economic lockdowns na karamihan ay dahil sa “mostly anxiety-related concerns.

                “This alarming social concern greatly affects a huge number of the population. Apart from the statistics on the mental health situation of the country, stakeholders must also be provided with necessary and relevant reports on the allocation of the budget for mental health programs and the  implementation of the National Strategic Plan of the Mental Health Act,” sabi ni Vargas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: