BASILAN, PINAHAHATI SA DALAWA

BASILAN, PINAHAHATI SA DALAWA

Umapela si Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman sa Kongreso na gawing dalawa na ang congressional districts ng nasabing lalawigan dahil sa wala nang takot na bumabalot dito.

                “Dahil hindi tayo tumigil sa ating pagsisikap na makamit ang kapayapaan at kaunlaran sa ating mahal na Basilan, nabiyayaan tayo ng paglago ng isa sa pinakamahalagang likas-yaman ng ating lalawigan: ang ating mga mamamayan,” sabi nito sa pagsasabing mula sa pagiging lone congressional district ng Basilan ay dapat nag awing two legislative districts na ito.

“Habang umuunlad ang Basilan dulot ng pinaghirapan nating kapayapaan, dumadami ang gustong manirahan dito at kumukonti ang gustong umalis. Wala nang takot, wala nang pangamba. May seguridad ang kabuhayan at hanap-buhay. Kaya naman malaki ang paglago ng populasyon,” paliwanag ng mambabatas.

Paliwanag pa ni Hataman, napapanahon nang magkaroon ng dalawang kinatawan ang Basilan sa Kongreso upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente nito.

“At habang lumalaki ang bilang ng mga Basileño, lumalaki din ang pangangailangan sa serbisyo publiko. Kaya napapanahon na para magkaroon ng dalawang kinatawan ang Basilan sa Kongreso upang matugunan ang mga pangangailangan ito at mas matutukan ang pag-unlad ng mga lugar dito,” aniya pa.

 “The province of Basilan is an island province situated within BARMM. It is the fourth largest in terms of land area in the region, and is currently politically subdivided into two component cities and eleven municipalities,” dagdag pa nito.

                Sinasabing mula Mayo 1, 2020, ang kabuuang populasyon ng Basilan kabilang ang Isabela City ay nasa 556,586 at sa loob ng limang taon ay dumami lalo ang populasyon ng probinsya.

Inihalimbawa pa ni Hataman na sa sandaling magkaroon ng dalawang legislative district ang Basilan, ang first legislative district ay bubuin ng Isabela City at mga  munisipalidad ng Lantawan, Maluso, Hadji Muhtamad, at Tabuan-Lasa.

                Habang ang second legislative district ay bubuuin ng Lamitan City at munisipalidad ng Akbar, Hadji Mohammad Ajul, Tipo-Tipo, Tuburan, Ungkaya Pukan, Sumisip at Al-Barka.

“In keeping with the above-mentioned cases and in consonance with the Constitutionally-enshrined mandate of democratic and proportional representation, the bill therefore proposes to reapportion the province of Basilan into two legislative districts,” ayon pa dito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: