BBM-PACQUIAO, POSIBLE BA?

BBM-PACQUIAO, POSIBLE BA?

KINUMPIRMA ni Senadora Imee Marcos na mula sa Visayas o Mindanao ang tinitignan nilang maging runningmate ng kapatid na si dating Senador Bongbong Marcos.
“Very obvious naman yung preference namin, sinasabing may ‘Solid North,’ mas malakas kami sa norte. Si Bongbong may National Capital Region din, malakas din naman kahit paano. Tapos Region 8. Pero medyo takot sa Mindanao, medyo bulag kami doon,” saad ni Marcos.
“So naturally we’re tending towards the Mindanao and VisMin candidates,” dagdag ng senador.
Ikinukunsidera rin anya nila ang isa pang presidential bet na si Senador Manny Pacquiao.
Ito ay kung nanaisin ng Pambansang Kamao na bumaba bilang vice presidential aspirant.
“There’s also the option…we also like the idea, syempre taga-Mindanao din, kung magi-slide naman si Sen. Pacquiao. Taga-Mindanao din ‘yan, super popular din at kaibigan naman natin yan kahit na may pitik pitik lately,” diin ni Marcos.
“Di na kami balat sibuyas pag medyo may bumibira, alam mo naman sa kasagsagan sa init ng halalan, OK lang,” dagdag pa nito.
Bukod sa paniniguro ng boto mula sa South, iginiit ni Imee na nais din ni Bongbong ng isang runningmate na madali nitong makapalagayang loob.
“Si Bongbong, naghahanap ng ka-tandem na bagay sa kanya, yung kasundo niyang katrabaho kasi kahit papaano di ba dapat may tiwala ka, tapos bagay kayo at nagkakaintindihan kayo ng maigi,” diin ni Marcos.
“Hindi lang naman boto boto yan e. Kailangan kaibigan mo rin to a certain degree,” dagdag pa nito

Leave a Reply

%d bloggers like this: