DAGDAG PONDO SA PINOY GYMNASTS, IGINIIT

DAGDAG PONDO SA PINOY GYMNASTS, IGINIIT

Umapela ang isang kongresista na dagdagan ang pondo ng mga susunod na gymnast ng bansa bunsod na rin ng tagumpay ni two-time world champion Carlos Edriel Yulo.

                Ayon kay Senior Citizen party list Rep. Rodolfo Ordanes, nakikita nitong may malaking pag-asa ang mga Filipino sa gymnasts dahil na rin sa tagumpay ni Yulo kung kaya’t dapat na dagdagan ang financial, logistical, technical staff, at moral support  sa mga ito.

“Carlos Edriel Yulo, ibibida kita sa mga apo ko at sa mga apo ng seniors sa buong bansa. Isa kang maningning na ehemplo para sa mga kabataang kinalakihan ang video games, Game of Thrones, Last Airbender, at superheroes sa video games, sine, at telebisyon,” sabi ni Ordanes.

Pinuri rin nito ang mga opisyales ng Gymnastics Association of the Philippines, ang Philippine Olympic Committee, ang Philippine Sports Commission, at ang pamahalaan ng Japan dahil sa pagsuporta at pagtulong kay Yulo.

“Parang dumadagundong at lumundag ang aming mga puso nang makita sa YouTube, sa Facebook, at sa TV, habang ika’y tumakbo patungo sa vault, nang ika’y lumipad sa ere, at lumanding nang sakto at buo,” ani Ordanes.

“Napaiyak mo kami sa tuwa nang makitang nakasabit sa iyo ang mga medalyang ginto at pilak at habang narinig sa ikalawa at ikatlong pagkakataon ang Lupang Hinirang sa World Championships ng Gymnastics,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: