GAG ORDER NI PRRD SA GABINETE, DADALHIN SA SC

GAG ORDER NI PRRD SA GABINETE, DADALHIN SA SC

INIHAHANDA na ng Senado ang petisyon sa Korte Suprema na kumukwestyon sa atas ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa mga miyiembro ng gabinete na dumalo sa Senate probe kaugnay sa umano’y overpriced COVID-19 supplies.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, napagkasunduan na ng mga senador ang paghahain ng petisyon.
“Yes, it (the petition) has been discussed. The decision is to question the President Duterte’s memorandum banning executive officials from attending the Pharmally hearings, as I did in 2005 when as Senate President, I questioned in the Supreme Court the validity of President Gloria Macapagal-Arroyo’s Executive Order 464,” pahayag ni Drilon.
“The petition is being prepared, and will be filed shortly,” dagdag ng senador.
Una nang kinumpirma ni Senate blue ribbon committee chairman Richard Gordon na kukuwestyunin nila ang gag order ni Pangulong Duterte sa kanyang mga cabinet members.
Matatandaang noong October 4, naglabas ng memorandum ang Palasyo na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagsasaad na apektado na ng pagdinig ang pagtupad ng mga opisyal ng gobyerno sa kanilang mandato.
Inakusahan sa memorandum ang Senado na lumalagpas sa kanilang awtoridad sa pagtatangkang mapapanagot ang mga taong nasa likod ng umano’y iregularidad.
Tinawag ni Gordon ang memorandum na “unconstitutional” dahil wala anyang isyu ng “national security, executive privilege, at diplomatic discussions na nabanggit sa imbestigasyon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: