MAGKAPATID NA DARGANI, ITINUTURING NANG SENATE FUGITIVES

MAGKAPATID NA DARGANI, ITINUTURING NANG SENATE FUGITIVES

PUGANTE nang itinuturing ni Senador Richard Gordon ang dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na hindi dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa sinasabing overpriced procurement ng COVID 19 supplies.
Sina Pharmally executives Mohit at Twinkle Dargani ay inisyuhan ng warrant of arrest dahil sa pagtangging magsumite ng dokumento sa kumite.
“Again, contemptuous yung ginawa nila, habang siya ay nakasalang, si Mohit Dargani, nung sinabi namin na sila ay pako-contempt, that would have been a reason for him to say, magsasalita na po ako,” pahayag ni Gordon.
“Ano po ang ginawa? Imbes na magsalita, nawala na lang po sa ating virtual at hindi na po sumagot. Umiskapo na po at naging fugitive sa Senado at hindi na sila nagpakita silang magkapatid,” dagdag ng senador.
Simula noong Oct. 19 hearing, the hindi pa nakikita ang magkapatid na Dargani at no show din ang mga ito sa pagdinig nitong Huwebes.
“Napipilitan po kami to cite witnesses in contempt, sino ba ang gustong mag-contempt, wala naman po akong mahihita diyan,” diin ni Gordon.
“Attending a Senate hearing can be easy and it can be hard. It is hardest when witnesses do not cooperate and do not give or share information necessary to our faithful performance of our tasks,” dagdag pa nito

Leave a Reply

%d bloggers like this: