CALOY YULO, TATANGGAP NG INSENTIBO PAG-UWI SA PINAS

CALOY YULO, TATANGGAP NG INSENTIBO PAG-UWI SA PINAS

 Tatanggap ng insentibo si global gymnastics superstar Caloy Yulo sa pagbabalik bansa nito matapos ang sinalihang World Championships ng Gymnastics.

                Ayon kay Deputy Speaker at 1-PACMAN Rep. Mikee Romero at Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes nakahanda na ang lahat para sa ibibigay na parangal kay Yulo dahil sa karangalang iniuwi nito sa Pilipinas.

 “We have a congratulatory incentive awaiting our first Filipino two-time world gymnastics champion, Carlos Edriel Yulo, for his homecoming after his competitions, post-championship, and training in Japan,” sabi ni Romero.

Sinabi naman ni Ordanes na si  Yulo ay maituturing na ‘Caloy Tambling’  dahil na rin sa galing nito at isang magandang halimbawa sa mga kabataan.

“Parang dumagundong at lumundag ang aming mga puso nang makita ka sa YouTube, sa Facebook, at sa TV, na ika’y tumakbo palapit sa vault, nang ika’y lumipad sa ere, at lumanding nang sakto at buo,” ani Ordanes.

Idinagdag pa ni Romero na hihingin nito ang tulong ng Gymnastics Association of the Philippines para maasistehan si Yulo sa mga pagsasanay nito at matulungan din ang support team at pamilya nito.

“Caloy Yulo will most certainly be watched closely by China, the United States, and Europe which have dominated gymnastics for decades. Caloy will be coming home soon in time for spending a much-deserved holiday break with his family, friends, and legions of Filipino admirers and next generations of gymnasts,” sabi ng sportsman-solon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: