SENADO, KINALAMPAG SA EDDIE GARCIA BILL

SENADO, KINALAMPAG SA EDDIE GARCIA BILL

Umapela ang isang kongresista na ipasa na sa lalong madaling panahon ang “Eddie Garcia Law” na patuloy na nakabinbin sa Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development.

                Apela ni House Deputy Speaker at 1PACMAN party list Rep. Mikee Romero kay Senador Ramon Bong Revill, chairman ng nasabing komite sa Senado  na  mahalagang maipasa “Eddie Garcia Law” kasunod na rin ng nangyaring aksidente sa pelikulang “Rust” sa Estados Unidos na hindi malayong mangyari rin sa bansa.

Ayon kay Romero base sa imbestigasyon ng mga pulis sa US, nagkaroon ng “negligence and carelessness” nang aksidenteng mabaril ni veteran actor Alec Baldwin si cinematographer Halyna Hutchins habang nasugatan naman ang director ng pelikula na si Joel Souza.

Sinasabing inakalang blank bullet ang nakalagay sa prop gun na hawak ni Baldwin ngunit nang pumutok ito ay natuklasang live rounds ang laman ng baril.

“It is sad to note that the Rust tragedy turned to be  a replay of what happened to young actor Brandon Lee who was killed while filming the movie “The Crow.”  Lee, son of the legendary Bruce Lee, was shot with a live bullet by a fellow actor who was assured that the gun was loaded with blanks,” ani Romero.

Nabatid na una nang ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 7762, noong Nobyembre 24 noong nakaraang taon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: