4 NA TAONG SUSPENSYON SA EXCISE TAX SA PETROLEUM PRODUCTS, INIHIRIT

4 NA TAONG SUSPENSYON SA EXCISE TAX SA PETROLEUM PRODUCTS, INIHIRIT

Inihain sa Kamara ang panukalang suspendehin ng apat na taon ang dagdag singil sa excise tax sa mga produktong petrolyo na patuloy na nagpapahirap sa mga ordinaryong Filipino.

                Sa inihaing  House Bill No. 10246 ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, sinabi nitong nais nitong suspendehin ang koleksyon ng dagdag singil sa excise taxes sa gasolina, diesel at iba pang oil products mula taong 2022 hanggang 2025.

Sa ilalim ng nasabing panukala, tanging ang excise tax adjustments ang ipapataw sa Section 43 ng Republic Act No. 10963, o ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ang sususpendehin.

Sakaling tuluyang maging epektibo ang suspensyon, ang gobyerno ay patuloy na pagkolekta ng excise levies sa mga produkto ng langis batay sa lumang mga rate na nasa National Internal Revenue Code.

Sinabi pa ni Rodriguez na sa ilalim ng Section 43, isasama sa suspensyon ang probisyon sakop ang 2018 hanggang 2020 kahit ang presyo ng crude oil ay  umabot sa $80 per barrel.

“Unfortunately, the provision for the suspension of the increase of excise taxes can only be applied until 2020. Then the Covid1-19 pandemic happened. Jobs were lost, businesses closed and the economy suffered,” sabi nito

Leave a Reply

%d bloggers like this: