IMMIGRATION, NILINAW ANG POLISIYA SA PINOY TOURISTS

IMMIGRATION, NILINAW ANG POLISIYA SA PINOY TOURISTS

Nagpalabas ng paglilinaw ang Bureau of Immigration (BI) sa polisiya nito sa mga Filipinong umaalis ng bansa kaugnay ng itinakdang travel restrictions ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

                Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang mga papalabas ng bansang mga Pinoy ay dadaan sa regular immigration inspections sa mga paliparan sa buong bansa.

Magugunitang noong nakaraang taon, naglabas ng resolusyon ang IATF na nagpapatupad ng ban sa mga non-essential travel sa lahat ng Filipinos kung saan ito binawi.

“Outbound tourism is allowed for Filipinos, subject to compliance with protocols set by the IATF,” sabi ni Morente.

Idinagdag pa nito na ang IATF ruling na nag-oobliga sa papalabas ng bansang Filipino tourists na magpakita ng round trip ticket at travel and health insurance sa Covid-19 na sakop ang panahon ng pagbiyahe nito sa ibang bansa.

Maliban dito, ang mga aalis ng bansa ay kinakailangang lumagda ng deklarasyon na batid ng mga ito ang banta sa kalusugan sa pagbiyahe ng mga ito sa ibang bansa.

Nilinaw din ni Morente ang misinformation na kumakalat sa social media at online na ilang travel insurance lamang ang tinatanggap ng BI.

“There are posts online stating that immigration has been requiring specific brands of travel insurance. Such is not the case.  Any brand of travel and health insurance, as long as it covers Covid-19 may be used by departing Filipino tourists.  Unscrupulous individuals have been using the name of the BI to sell insurance, hence the need to issue this clarification,” paliwanag ni Morente.

Leave a Reply

%d bloggers like this: