ISKO MORENO MIYEMBRO NA NG TRIBO SA NUEVA VIZCAYA

ISKO MORENO MIYEMBRO NA NG TRIBO SA NUEVA VIZCAYA

ITINUTURING nang isang miyembro ng tribong Kalanguya ng Nueva Vizcaya si Manila City Mayor Isko Moreno makaraang isailalim siya sa isang ritwal ng mga katutubo sa pagdalaw niya sa naturang lalawigan nitong Sabado ng umaga.

Sa pagdating ni Moreno sa bayan ng Santa Fe at ng kaniyang kasamahan sa tiket partikular na sina Vice-presidentiable Dr. Willie Ong, senatoriables Jopet Sison, Samira Gutoc at Carl Balita, nagsagawa ng ritwal ang tribo Kalanguya sa pagkatay sa isang baboy at pagpahid ng dugo na nasa kutsilyo na ginamit sa pagkatay sa noo ng alkalde.

Nangangahulugan umano ang pag-iyak ng baboy sa pagtaboy sa masasamang espiritu habang ang dugo ay proteksyon na bigay ng Panginoon. Matapos nito, itinanghal na anak ng tribo si Moreno.

“Dito po sa Santa Fe magsisimula ang Isko Moreno Solid North. Ginagawa natin ito dahil kami po ay naniniwala kay Isko Moreno. Sabi nga po nila, salita lang ni Isko Moreno ay pwede ng isanla,” ayon kay dating Santa Fe Mayor Teodorico Padilla Jr.

Dahil sa anak na ng tribo Kalanguya si Moreno, magkakaroon na umano ang mga katutubo sa Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, at mga tribo mula sa Quirino, Isabela at Ifugao, ng kakampi sa Malacanang kung magwawagi siya sa 2022 Presidential elections.

Sinabi pa ni Padilla na dahil sa ritwal, may pananagutan na ang Kalanguya tribe na dalhin si Moreno sa Malacanang habang susuporta rin umano ang iba pang mga tribo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: