PAGTAGPAS SA CONTRACTUALIZATION, PLANO RIN NI ISKO

PAGTAGPAS SA CONTRACTUALIZATION, PLANO RIN NI ISKO

NILINAW ni Aksyon Demoktratiko presidential aspirant at Manila City Mayor Isko Moreno na nasa plano rin niya ang pagwakas sa kontraktuwalisasyon ngunit mas prayoridad umano ngayong pandemya ang paglikha muna ng mga trabaho sa mga nawalan ng hanapbuhay.

“What I believe is kumain ka muna at mairaos muna ang pamilya natin. Hindi puwedeng pahirapan ang mga negosyante sa ngayon,” ayon kay Moreno sa harap ng kaniyang mga volunteer groups sa Quezon City.

“Ito naman ang sakripisyo ng mga tao, aanuhin ang permanenteng trabaho kung wala namang trabaho? Makatrabaho ka muna ng anim na buwan, two years after we start talking about long term,” paliwanag pa ni Moreno ukol sa batikos sa kaniya sa kontraktuwalisasyon.

Sinabi ng alkalde na sa pagkaltas ng 50% sa buwis ng langis at kuryente, kailangang maiahon muna ang mga maliliit na negosyo na nagpapasuweldo sa mayorya ng manggagawang Pilipino. Sa oras umano na maitawid ang dalawang taon matapos ang halalan, saka pag-uusapan ang iba’t ibang pamamaraan para sa ibang aspeto ng pagdebelop ng bansa.

“I’m being honest telling the people to provide more jobs, temporary and immediate. Gumaan ang presyo ng bilihin para sa ganun dumami naman ang mabibiling produkto. Gawa muna tayo ng tulay, huwag tayong makasarili,” giit ni Moreno.

Idinagdag pa niya na kung siya nga na naging basurero noon at hindi kumikita ng regular ay hindi nagreklamo, mas dapat na magtulungan umano muna ngayon ang bawat Pilipino ngayong pandemya para makaahon ang lahat.

Leave a Reply

%d bloggers like this: