SMUGGLING NG SIBUYAS SA PILIPINAS, PATULOY

SMUGGLING NG SIBUYAS SA PILIPINAS, PATULOY

AABOT sa P800,000 halaga ng mga sibuyas na hinihinalang ipinuslit sa bansa ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa pagsalakay sa ilang bodega sa Tondo, Maynila kamakailan.

Sa ulat ng BOC kahapon, nag-inspeksyon ang Customs Intelligence and Investigation Service Field Office-Intelligence Property Rights Division (CIIS-IPRD), BOC-Port of Manila (POM) at ng National Bureau of Investigation ang mga bodega sa may Carmen Planas Street sa Tondo nitong Oktubre 25.

Armado ang mga awtoridad sa bisa ng Letter of Authority (LOA) mula kay Commissioner Rey Leonardo Guerrero at nadiskubre ang sako-sakong mga imported na sibuyas na walang kaukulang Sanitary and Phytosanitary Import Clearances (SPSIC) at iba pang dokumento.

Naglabas ang BOC ng warrant of seizure sa kontrabando dahil sa paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 (RA 10845), Intellectual Property Code of the Philippines (RA 9283), at sa Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863).

“The BOC will remain rigorous in implementing Customs laws to protect the nation’s borders against illegal importations of agricultural products and to support local farms and industries that are heavily impacted by these illicit activities,” ayon kay Guerrero.

Leave a Reply

%d bloggers like this: