TURISTA MULA LATVIA, BAWAL PA SA PINAS

TURISTA MULA LATVIA, BAWAL PA SA PINAS

Nagpalabas ng babala ang Bureau of Immigration (BI) na bawal pa ring makapasok sa bansa ang mga foreign nationals na nanggaling sa bansang Latvia hanggang Nobyembre 15.

                Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang travel ban ay base sa direktiba ng Inter-Agency Council for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung saan isinaayos na nito ang listahan ng mga bansang nasa ilalim ng Red, Yellow, at Green countries.

Nabatid na ang mga bansang kasama sa Green List ang Algeria, American Samoa, Bhutan, Burkina Faso, Cameroon, Chad, China (Mainland), Comoros, Cook Islands, Eritrea, Falkland Islands (Malvinas), Hong Kong (Special Administrative Region of China), Kiribati, Madagascar, Mali, Marshall Islands, Federated States of Micronesia, Montserrat, Nauru, New Zealand, Nicaragua, Niger, Niue, North Korea, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Helena, Saint Pierre and Miquelon, Samoa, Sierra Leone, Sint Eustatius, Solomon Islands, Sudan, Syria, Taiwan, Tajikistan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Uzbekistan, Vanuatu at Yemen.

Habang ang lahat ng bansang hindi nabanggit ay nasa ilalim ng Yellow List.

“Following IATF resolutions, currently, only Filipinos, balikbayans, and foreigners with valid and existing visas that would be coming from countries under the green or yellow list may be allowed to enter the Philippines.  For now, tourists are still not permitted to enter,” paliwanag ni Morente.

Aniya, sakaling payagan ang mga dayuhang nanggaling sa Green at Yellow countries ay sasailalim sa quarantine at testing protocols na imiiplementa ng Bureau of Quarantine (BOQ).

Leave a Reply

%d bloggers like this: