2022 PROPOSED NATIONAL BUDGET, TARGET IPASA NG SENADO SA UNANG LINGGO NG DISYEMBRE

2022 PROPOSED NATIONAL BUDGET, TARGET IPASA NG SENADO SA UNANG LINGGO NG DISYEMBRE

TARGET ng Senado na maipasa ang panukalang P5.024 trilyong 2022 national budget sa unang linggo ng Disyembre.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, sa kanilang pagbabalik-sesyon ay agad na nilang sisimulan ang pagtalakay sa panukala.

“Hopefully passage by the first week of December,” saad ni Sotto.

Sinabi ni Sotto na sisimulan ang plenary deliberations sa November 8.

Noong October 25 ay naisumite na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Senado ang inaprubahan nilang panukalang batas para sa pagbabubudget.

Sa bersyon ng Kamara, ilang pag-amyenda ang kanilang inilagay kabilang na ang alokasyon ng P20 bilyon para sa procurement ng COVID-19 vaccines at booster shots at ang P4.5 bilyon para sa special risk allowance ng mga qualified public at private health workers.

Leave a Reply

%d bloggers like this: