ANGARA SA PUBLIKO: WAG PA RIN KAMPANTE KAHIT BUMABABA NA ANG COVID 19 CASES

ANGARA SA PUBLIKO: WAG PA RIN KAMPANTE KAHIT BUMABABA NA ANG COVID 19 CASES

NANAWAGAN si Senador Sonny Angara sa awtoridad at sa publiko na huwag maging kampante sa gitna ng pagbaba ng kaso ng COVID 19.

Sinabi ni Angara na magandang development ang pagbaba ng mga tinataamaan ng virus subalit hindi ito sapat na dahilan upang magpabaya sa pagsunod sa health protocols.

“It is encouraging to see a steady decline in the number of people getting infected with COVID-19 in the country. Hopefully this trend will continue and we can open up more sectors of our economy faster,” saad ni Angara.

Ipinaalala ng senador na bagama’t tuloy-tuloy na ang suplay ng bakuna sa bansa, matagal-tagal pa bago makamit ang target na mabakunahan ang mayorya ng populasyon.

“Nakikiusap tayo sa ating mga kababayan na hindi pa nababakunahan na ikonsidera na ang magpabakuna. Napatunayan na nakakapagligtas ng buhay ang mga bakuna kaya pumunta na sa inyong mga barangay at magpa iskedyul na,” diin ni Angara.

Muling umapela ang mambabatas sa Department of Health at lokal na pamahalaan na pag-ibayuhin ang paghikayat sa mamamayan na magpabakuna at dalhin ang bakuna sa populasyon na hindi na makalabas ng bahay tulad ng senior citizens at persons with disabilities.

“We support the call of our Vaccine Czar Sec. Charlie Galvez for LGUs to be more creative and flexible in its efforts to vaccinate its constituents. Many LGUs have successfully conducted house-to-house vaccinations to cater to the senior citizens and other eligible individuals. They could serve as models of best practices that the other LGUs could emulate,” diin pa ni Angara.

“Tayo ay nasa gitna pa din ng pandemiya kaya mag-ingat pa din tayo at magpa bakuna na sa mas madaling panahon,” paalala pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: