P10K AYUDA, MAY PONDO SA 2022

P10K AYUDA, MAY PONDO SA 2022

Tinitiyak ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano na may sapat na pondo ang pamahalaan para pagkalooban ng P10,000 direct stimulus package ang bawat pamilyang Filipino bilang tulong sa epekto ng COVID-19 pandemic.

                Ito ang sinabi ni Cayetano sa pagsasabing P500 bilyon ang idinagdag sa pondo ng pamahalaan sa 2022 national budget kung saan tanging P200 bilyon lamang ang kakailanganing pondo para matupad ang pamamahagi ng P10,000 ayuda.

“Maglaan lang ng P50B to P70 billion, lahat na ng small businesses pati mga ambulant vendors mabibigyan na ng P10,000,” sabi nito.

Magugunitang isinusulong ng mga kongresistang kabilang sa Balik sa Tamang Serbisyo (BTS) sa Kongreso ang pagbibigay ng direct stimulus package sa lahat ng pamilyang Filipino at mga micro-enterprises tulad ng mga sari-sari store owners.

“’Yun po ang prayer ko this year that despite the pandemic, or because of the pandemic, matuto tayo at maging year na tunay na pagbabago, o taon na tunay na pagbabago or isang taon po ng transformation natin lahat,” ani Cayetano.

“Hindi simpleng dole-out ito, sa ganyang pamamaraan ay matulak natin ang gobyerno to do more, and hopefully po na magkaroon ng sampung libong ayuda ang bawat pamilyang Pilipino,” dagdag nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: