YORME ISKO NUMBER 1 SA SURVEY SA PAGKA-PANGULO

YORME ISKO NUMBER 1 SA SURVEY SA PAGKA-PANGULO

Kugn ngayon gaganapin ang halalan, lumalabas na pipiliin ng mas nakararami umano bilang pangulo si Aksyon Demokratiko presidential aspirant at Manila City Mayor Isko Moreno makaraang manguna sa presidential survey na ikinasa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa buong bansa.

Sa datos ng survey, nakakuha si Moreno ng kabuuang 25.39 porsyento ng survey na ikinasa mula Oktubre 17-26. Pumangalawa si Bongbong Marcos na may 23.10%, kasunod si Vice President Leni Robredo na may 18.31%.

Dinomina ni Moreno ang National Capital Region (NCR) sa nakuhang 30.53%, Visayas na may 24.63% at Mindanao na may 22.70%. Tanging sa Balance Luzon lang ang hindi nakuha ni Moreno na may 25.84% kumpara sa nanguna na si Marcos na may 30.33%.

Ayon sa RPMD, aabot sa 10,000 ang kanilang naging respondents sa survey na sumagot sa tanong na: “Who would you vote for President if the election will be held today?”

Tanging isinama sa listahan ng mga kandidato ang tingin ng RPMD na mga seryosong kandidato lamang.

Sa naturang survey, nakakuha rin sina Sen. Manny Pacquiao ng 17.88%, Sen. Ping Lacson na may 7.08%, Sen. Ronald Dela Rosa na may 3.41% at isang Ernesto Abella na may 0.81%.

Sinabi ni Angelito Banayo, political strategist ng Team Isko-Will, na ang pagtaas sa survey ni Moreno ay posibleng dulot ng intensyon niyang bawasan ang buwis sa langis at kuryente ng 50% kung siya ang mananalong pangulo ng bansa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: