ANGARA SA PHILHEALTH: BILISAN ANG REIMBURSEMENT NG MGA OSPITAL

ANGARA SA PHILHEALTH: BILISAN ANG REIMBURSEMENT NG MGA OSPITAL

KINALAMPAG ni Senador Sonny Angara ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) upang bilisan ang proseso ng reimbursment claims ng mga pribadong ospital.

Iginiit ni Angara na hindi kakayanin ng bansa kung makaranas ng panibagong krisis ang healthcare system.

Ginawa ni Angara ang panawagan sa Philhealth kasunod ng babala ng ilang private hospitals sa Metro Manila at mga lalawigan na hindi na magrerenew ng accreditation sa ahensya dahil hindi pa nakukuha ang kanialng reimbursement.

“Matagal ng ni rereklamo ng mga ospital itong mabagal na pag reimburse ng mga gastos ng mga ospital at pasyente; kelangan bilisan ng Philhealth ang pag proseso ng claims ng mga ospital otherwise magkakaroon tayo ng systems failure dito sa healthcare system natin,” saad ni Angara.

“Kapag di na babayaran ang health services maaaring may mag sara na ospital at mapeperwisyo ang publiko at ang nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan,” dagdag nito.

Binigyang-diin ni Angara ang ibinabayad ng milyong-milyong Pilipino na PhilHealth dues na awtomatikong binabawas sa kanilang sahod at ang P70-billion na subsidy ng gobyerno.

Nais din ni Angara na imbestigahan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang kabagalan ng state health insurer sa pagbabayad ng claims.

“Dapat din tingnan ng ARTA o ng Anti-Red Tape Authority ang mga proseso ng Philhealth para alamin ang rason sa mabagal na pagbayad ng mga health insurance claims ng mga ospital,” diin ni Angara.

“Nasa ilalim tayo ng public health emergency kaya’t inexcusable o di katanggap tanggap itong nangyayari ngayon,” paalala pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: