COMPREHENSIVE EYE CARE SERVICES PARA SA SENIOR CITIZENS, IGINIIT

COMPREHENSIVE EYE CARE SERVICES PARA SA SENIOR CITIZENS, IGINIIT

Inihain sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay ng comprehensive eye care services sa lahat ng senior citizens sa buong bansa.

Sa House Bill 10274, o ang Senior Vision Services Act na inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, layon nito na magtatag ng National Eye Services for Seniors Program na magkakaloob ng tulong sa mga senior citizens na may probema sa paningin.

Sinabi ni Vargas na ang visual impairment sa mga nakatatanda ay isa sa pangunahing problema sa kalusugan na nangangailangan ng agarang tulong mula sa pamahalaan.

Sakali aniyang hindi agad magagamot, ang problema sa mata ay maaaring magdulot ng physical and mental harm.

“Through regular and active assessments for early detection and treatment, the State can effectively assist in maintaining the health, welfare, and quality of life of our elderly,” sabi ni Vargas.

Nakapaloob din sa nasabing panukala ang pagbibigay ng technical assistance at pagsasanay sa mga indibiduwal na nangangalaga sa mga bulag o legally-impaired seniors.

“It is the hope of this measure to provide sufficient services for most of the elderly suffering from different levels of visual impairment that hinder their active involvement to society, their families, and their communities,” sabi ng mambabatas.

Paglalaanan ng P50 milyon sa unang tatlong taon ang nasabing programa na isasama sa annual budget ng Department of Health (DOH)

Leave a Reply

%d bloggers like this: