FACE SHIELD IBABASURA NA?

FACE SHIELD IBABASURA NA?

HANGGANG ngayon, pinag-aaralan pa ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagbasura sa paggamit ng face shield ng publiko habang bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sianbi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaaring mahikayat na ang IATF-EID na tanggalin na ang face shield sa kanilang panuntunan dahil sa mababang kaso na ng COVID-19.

“I can confirm po na habang bumababa ang mga numero, eh pinag-uusapan na rin po kung ipagpapatuloy pa ang pagsusuot ng face shields (I can confirm that while the number [of Covid-19] infections continue to decline, we are discussing whether it is still necessary to wear face shields),” ayon kay Roque.

Matatandaan na matagal nang ipinananawagan ang pagtanggal sa paggamit ng face shield dahil sa wala namang siyentipikong ebidensya na nalalabanan nito ang pagkalat ng COVID-19 at tanging ang Pilipinas lang sa buong mundo ang gumagamit nito ng nasa labas sa mga pagamutan.

Samantala, nakisa ang OCTA Research Group sa panawagan sa pamahalaan na payagan ang mga publiko na tanggalin ang kanilang face shields habang nanonood ng pelikular sa mga sinehan ngayong pinayagan na itong mag-operate.

Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na suportado nila ang panukala dahil sa makatwiran lamang umano na tanggalin ang face shields para ma-enjoy ang pinapanood na pelikula.

“We would support it because I think the move is to allow only vaccinated people to enter theaters,” ayon kay David.

Pinayagan ang pagbubukas ng mga sinehan na magkakaroon lamang ng 30% kapasidad nang isailalim ang Metro Manila sa Alert Level 3.

Kayo po, ano ang opinyon nyo sa isyung ito?

Leave a Reply

%d bloggers like this: