MEDIA WORKERS WELFARE BILL, DAPAT IPASA NA

MEDIA WORKERS WELFARE BILL, DAPAT IPASA NA

Kinondena ng isang kongresista ang pagpatay sa isang mamamahayag sa lalawigan ng Davao del Sur kasabay ng apela sa Kamara na ipasa na ang Media Workers Welfare Bill.

                Ayon kay Media Workers Welfare Bill at ACT-CIS party list Rep. Rowena Niña Taduran  ang agarang pagpasa ng Media Workers Welfare Bill makaraang isa na namang mamamahayag ang pinatay sa Davao del Sur.

                Nanawagan din ang mambabataas ng mas malalim na imbestigasyon at mabilis na aksyon sa pagpatay kay Orlando “Dondon” Dinoy na binaril ng isang aramding lalaki na pumasok sa kanyang inuupahang bahay.

“Kailangan ng mga nagtatrabaho sa media ang proteksyon, at ito ay maibibigay ng Media Workers Welfare Bill. Napakamapanganib ng trabaho ng media, kaya’t kailangang may batas na magbibigay sa kanila ng seguridad,” ayon kay Taduran, may-akda ng panukalang batas.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang mambabatas sa mga hindi pa nareresolbang kaso ng pagpatay ng mga mamamahayag sa bansa na sa ngayon ay inoobserbahan ng Global Impunity Index.

“We know that these cases are already in court. Pero ang katanungan natin, gaano naman kabilis ang pag-usad nito sa korte? Kailan nila makakamit ang hustisya? At natulungan ba ang kanilang naiwanang mahal sa buhay,” tanong ni Taduran.

Noong nakaraang taon, dalawang mamamahayag ang binaril at pinatay habang nasa kasagsagan ng pandemya ng Covid 19.

Kabilang dito sina Cornelio Pepino, brodkaster sa radyo sa Negros na pinaslang ng 2 kalalakihan noong Mayo at si Jobert Bercasio, online broadcaster, na binaril at pinatay naman ng dalawang nakasakay sa motorsiklo sa Sorsogon City noong Setyembre.

Leave a Reply

%d bloggers like this: