COMPREHENSIVE DRIVER’S EDUCATION, HAHARANGIN SA KAMARA

COMPREHENSIVE DRIVER’S EDUCATION, HAHARANGIN SA KAMARA

Pinababasura ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa Department of Transportation (DOTr) at sa Land Transportation Office (LTO) na ibasura ang comprehensive driver’s education (CDE) na nais ipatupad nito sa mga kukuha ng lisensya.

Sa inihain nitong Resolution No. 2325, sinabi ni Rodriguez na ang CDE ay magdudulot lamang ng pahirap sa mga motorista dahil sa gastos lalo na ngayong panahon pa rin ng pandemya.

Dagdag pa ng kongresista, wala rin aniyang legal na basehan ang DOTr at LTO para ipatupad ang nasabing kautusan.

Paliwanag pa ni Rodriguez na bagama’t pinanghahawakan ng LTO ang Republic Act No. 10930, wala naman sa probisyon nito na kailangan ang sertipikasyon ng CDE para makakuha ng driver’s license.

“The Supreme Court has repeatedly ruled that the spring cannot rise higher than its source and implementing rules must conform to the language of the law,” sabi nito.

Pinababawi rin ng mambabatas ang ilang bahagi ng RA 10930 upang hindi na magkaroon ng pagkakagulo sa nasabing batas.

Dagdag pa ni Rodriguez na hindi malayong maging ugat ito ng red tape, harassment at kurapsyon tulad ng nangyari sa vehicle emission testing kung kaya’t dapat na itong bawiin.

Leave a Reply

%d bloggers like this: