PAGBABAKUNA SA MINORS NA WALANG COMORBIDITIES, SINIMULAN NA SA CALOOCAN CITY

PAGBABAKUNA SA MINORS NA WALANG COMORBIDITIES, SINIMULAN NA SA CALOOCAN CITY

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City ang pagbabakuna para sa general pediatric population na may edad 12-ayos hanggang 17-anyos.

Kahapon, dinagsa ng mga menor-de-edad kasama ang kanilang mga magulang o guardian ang vaccine centers at sumasailalim ang mga ito sa registration, screening, counselling, vaccination at monitoring.

Itinurok sa mga menor-de-edad ang Pfizer at Moderna na tanging pinapayagan sa ngayon ng Food and Drug Administration upang ibakuna para sa edad 12-17.

Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa medical workers, at maging sa DepEd-Calooca sa tulong at suporta nito, partikular na sa pagbuo ng schedule upang mabakunahan ang mga mag-aaral sa lungsod na kabilang sa nasabing age group.

Samantala, tatanggap din ng tig-400 slots kasama ang mga nag-online appointment sa dalawang ospital kabilang ang CCMC at CCNMC  para naman sa mga edad 12-17 na may comorbidity o taga-Caloocan subalit nag-aaral sa ibang lugar.

Pinatitiyak ng Caloocan government sa mga magulang o guardian ng mga kabataang babakunahan na siguraduhing kumpleto ang mga dokumento para sa pagbabakuna tulad ng Medical certificate ng babakunahan (para sa mga may comorbidity o karamdaman lamang); birth certificate; Valid ID ng babakunahan at ng magulang o guardian.

Hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang mga magulang o guardian na pabakunahan ang kanilang mga anak na kabilang sa nasabing age group para sa kanilang proteksyon at bilang paghahanda sakaling ibalik na ang face-to-face classes.

Leave a Reply

%d bloggers like this: