PERA MULA SA DRUG AT GAMBLING LORDS, POSIBLENG BUMAHA SA ELEKSYON

PERA MULA SA DRUG AT GAMBLING LORDS, POSIBLENG BUMAHA SA ELEKSYON

Hindi malayong bumaha ang pera ngayong panahon ng eleksyon ng mga  pulitikong nais manalo sa eleksyon gamit ang pera mula sa mga drug at gambling lords, at mga smugglers.

            Ito ang sinabi ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano kasabay ng pagsasabing dapat na tiyakin ng Commission on Elections (Comelec) na mababantayan ang nangyayaring vote buying.

            Tugon ito ni Cayetano sa posibilidad ng malawakang vote buying sa May 2022 elections na una nang tinukoy ni Vice President Leni Robredo.

“Ang pinaka-guilty sa vote buying ang mga kandidato mismo. Bakit ko nasabi ‘yan? Kase ang kandidato na tumanggap sa drug lord, sa gambling lord, sa e-sabong, sa smuggler, ‘yan ang nabili. Ang pera na kinuha nila ay pambili lang ng boto,” paliwanag ni Cayetano.

Ngunit nilinaw ng kongresista na hindi naman aniya nito huhusgahan ang mga tatanggap ng pera sa mga pulitiko sa kadahilanang batid naman ng lahat ang hirap na dinaranas ngayon dahil sa pandemya.

Samantala, sinabi ni Cayetano na mahalaga rin ang pagkakaroon ng presidential debates upang makilala ang mga ito ng taumbayan at malaman ang plano ng mga ito sakaling maupo sa posisyon sa pamahalaan.

 “Lahat sila nagsabi ng dapat. Dapat may ganito, dapat. Pero paano? Sa debate kase, or kung ayaw ng debate then forum, mangyayari ito. Lalabas kung ano ang ampaw, lalabas kung ano ‘yung solid,” ani Cayetano.

Leave a Reply

%d bloggers like this: