PRRD, DAPAT PAPANAGUTIN ANG SARILI SA PALPAK NA VACCINATION ROLLOUT

PRRD, DAPAT PAPANAGUTIN ANG SARILI SA PALPAK NA VACCINATION ROLLOUT

Hinamon ng isang kongresista si Pangulong Rodrigo Duterte na papanagutin ang sarili at maging ang mga ahensya ng pamahalaan na nagpapabaya at mabagal sa pamamahagi ng bakuna.

                Ito ang sinabi ni ACT Teachers party list Rep. France Castro kung saan sa halip umano na pag-initan ng pamahalaan ang mga local government units (LGUs) ay dapat unahin ang sarili nito dahil sa mabagal na pamamahagi ng bakuna sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

                “If the national government was proactive in ensuring that vaccines will be available earlier, that it will be accessible for all and that there are adequate facilities to cater the vaccines in the provinces especially the far flung areas, then LGUs will not have a hard time in their vaccine roll-outs,” sabi nito.

Giit ng mambabatas, pinabayaan na nga ni Pangulong Duterte ang mga LGUs na gumawa ng kani-kanilang paraan para mabigyan ng ayuda ang kanilang mga mamamayan, gumawa ng sariling mga paraan para sa kanilang vaccine drive at siguraduhing may mga healthcare facilities sa kanilang mga lugar, sila pa ang unang bibigyan ng sanction ng national government.

“Kung may underperforming na LGU sa vaccine roll-out, sinasalamin din lamang nito na mas malaki pa rin ang kakulangan ng national government na siguraduhing accessible sa bawat Pilipino ang bakuna laban sa COVID-19. Delayed ang timeline ng national government at ng local government sa vaccine roll out dahil someone dropped the ball sa ating vaccine procurement sa simula pa lang at hanggang ngayon ay patuloy pa rin naman ang kapalpakan sa pandemic response ng administrasyong Duterte,” dagdag pa ni Castro.

Leave a Reply

%d bloggers like this: