75% NG KANDIDATO ‘NUISANCE’; SEN. BATO MAKASAMA KAYA?

75% NG KANDIDATO ‘NUISANCE’; SEN. BATO MAKASAMA KAYA?

SA Disyembre na dedesisyunan ng Commission on Elections (Comelec) kung sino ang mga magiging ‘nuisance’ sa mga nais tumakbo sa national positions kabilang na ang isyu kay Senador Bato Dela Rosa.

Ito ay makaraang sabihan ng Comelec na halos 75 porsyento ng mga nagsumite ng ‘certificate of candidacy (COC)’ para sa nasyunal na posisyon ay maaaring maideklarang mga ‘nuisance candidates’ sa oras na masala na ang talaan.

Sinabi ni Comelec Education and Information Department Director Elaiza Sabile-David na sa 569 aspirants, halos 3/4 nito ang maidedeklarang mga nuisance candidates.

Sa datos ng Comelec, nakatanggap sila ng 97 COC para sa pagka-pangulo; 28 sa pagka-bise-presidente; 174 sa pagka-senador; at 270 bilang party-list candidates.

“The candidates will still be filtered and most of them, maybe especially for the position of president, vice president, and senator will be considered as nuisance candidates,” sayon kay Sabile-David.

Nagsumite na umano ang kanilang law department ng petisyon para ideklara ang 75% ng mga aspirante bilang mga nuisance at nakatakdang desisyunan ng mga komisyuner.

Sa Rules of Procedure ng Comelec, maidedeklarang ‘nuisance’ ang sinumang aspirante na nagsumite ng COC para insultuhin o bastusin ang proseso ng halalan o kaya ay lumikha ng kalituhan. Kasama rin dito ang nagpakita na wala talagang interes na tumakbo sa halalan.

Isa sa ipinadedeklarang ‘nuisance’ ng ilang sektor si Sen. Ronald Dela Rosa na hayagang nagsabi na handa siyang ipaubaya kay Davao City Mayor Sara Duterte ang kaniyang slot kung sakaling nanaisin niyang tumakbo bilang pangulo ng bansa.

Leave a Reply

%d bloggers like this: