YORME ISKO PAGAGAWAN NG TULAY ANG MGA VISAYAS ISLANDS

YORME ISKO PAGAGAWAN NG TULAY ANG MGA VISAYAS ISLANDS

TARGET ni Aksyon Demokratiko presidential aspirant at Manila City Mayor Isko Moreno na paunlarin ang industriya ng turismo sa bansa sa pagpapatayo ng maraming tulay na magkokonekta sa iba’t ibang isla sa Visayas.

Sinabi ni Moreno sa pagbisita niya nitong Biyernes sa lalawigan ng Cebu, na para lalong lumakas ang industriya ng turismo ay magtatayo siya ng mga tulay na magkokonekta sa mga isla ng Visayas para sa mas mabilis na transportasyon.

Papataasin umano ang dating ng mga dayuhang turista sa bansa sa ng 24 milyon kada taon kapag sinuwerte na siya ang manungkulan sa pamahalaan mula walong milyong dayuhang turista noong 2019.

Sa ilalim umano ng kaniyang Bilis Kilos 10-point agenda for governance, prayoridad niya na magpatayo ng mga ‘tourism highways’ at i-debelop ang mga ‘tourism circuits’ kasunod ng promosyon ng iba’t ibang aktibidad ukol sa turismo.

Sa pagtungo niya sa Moalboal, Cebu, sinabi ni Moreno na bahagi ito ng kaniyang ‘listening tour’ o pakikinig sa iba’t ibang sektor at pakikipagdayalogo para malaman ang sakit ng iba’t ibang panig ng bansa. Dito umano niya ibabase ang kaniyang mga aksyon sakaling palarin sa halalan.

Pinapurihan ni Moreno ang aksyon ni Governor Gwendolyn Garcia sa unti-unting pagbubukas ng turismo sa lalawigan kahit na nananatili ang pandemya.

 

Leave a Reply

%d bloggers like this: