MIGRATION NG PINOY NURSES, NAGPAPATULOY

MIGRATION NG PINOY NURSES, NAGPAPATULOY

Ibinunyag ni Anakalusugan party list Rep. Michael Defensor na patuloy na dumarami ang bilang ng mga Filipino nurses ang umaalis ng bansa para magtrabaho sa ibang bansa partikular sa Estados Unidos.

                Ayon sa mambabatas, umaabot sa kabuuang 5,957 Philippine-educated nurses ang nagbabantang magtungo sa  Amerika para kumuha ng U.S. licensure examination sa unang pagkakataon mula Enero hangganng Setyembre ngayong taon.

Sinabi ni Defensor na tumaas ng 25 porsiyento ang bilang ng mga Pinoy nurses na nais magtungo sa US mula sa 4,758 Philippine nursing graduates na kumuha ng NCLEX noong 2020, base sa datos ng U.S. National Council of State Boards of Nursing Inc.

“We expect a large number of Filipino nurses to aspire to move into America’s labor market in the months ahead because of the irresistible lure of high pay. In California, for instance, a registered nurse receives an average of $120,560 (P6.1 million) per year,” sabi ni Defensor.

“Right now, there are thousands of unfilled hospital nursing staff vacancies across America,” dagdag nito.

Tinukoy pa ni Defensor ang kaso sa San Diego, California-based nursing agency na Aya Healthcare, na mayroong 55,000 job openings para sa mga “travel nurses” para punan ang mahigit sa 3,000 U.S. hospitals sa loob ng 13 hanggang 26 linggo.

Apela ni Defensor sa Kongreso na agad na ipasa ang House Bill 7933, na naglalayong itaas ang kasalukuyang suweldo ng mga nurses mula sa P33,575 ay gagawing P60,901 kada buwan para sa Philippine government hospitals.

“We are counting on our measure, once enacted, to help dissuade at least some of our nurses, particularly those with strong ties here at home, from going overseas,” ayon pa dito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: