MODERNISASYON SA PAGSASAKA, IGINIIT

MODERNISASYON SA PAGSASAKA, IGINIIT

Kinalampag ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga ahensya ng pamahalaan na magtulungan upang matulungan ang mga magsasaka sa bansa sa pamamagitan ng pagmodernisa sa agrikultura.

Sa panayam ng mga mamamahayag kay Cayetano sa strawberry farmers sa Baguio City, nanawagan ito sa Department of Agriculture (DA), Department of Science and Technology (DOST), at Department of Trade and Industry (DTI) na tulungan ang mga Filipino farmers na magsagawa ng modern techniques sa pagtatanim, fertilization, at hybrid seed planting.

“We can’t just keep protecting the agriculture sector from the gumagandang system ng agriculture ng neighbors natin tapos hindi natin mino-modernize ‘yung atin,” sabi nito.

Tugon ito ng kongresista kasunod na pagkakasabat sa P15 milyon halaga ng smuggled fresh vegetables mula China sa Subic Bay Freeport.

Giit ni Cayetano, dahil sa pagkalat ng smuggled vegetables sa merkado ay nababawasan ang presyo ng mga lokal na produkto.

Aniya, sa halip na bigyan ng cash subsidies para magamit sa farming tools, mas makakabuti anya na ang agricultural fund para mga programa ay gamitin sa inobasyon.

Panawagan nito sa DA, DOST, at DTI na tulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatayo ng food processing systems at shared facilities upang hindi lang umasa ang mga magsasaka sa isang uri ng tanim.

“Look at’ yung mga madre sa Good Shepherd. May natutulungan na, may pumapasok pang kita kasi natutong gumawa ng masarap na ube jam,” sabi nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: