SENATORIABLES NG LACSON-SOTTO TANDEM, MABABAWASAN

SENATORIABLES NG LACSON-SOTTO TANDEM, MABABAWASAN

KINUMPIRMA ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na mababawasan ang listahan ng senatoriables na kanilang isasama sa line up para sa 2022 National and Local Elections.
Una nang inihayag nina Sotto at Senador Panfilo Lacson na aabutin ng 15 ang senatoriables na ieendorso nila para sa eleksyon sa susunod na taon.
Sinabi ni Sotto na magsasagawa sila ng ‘one on one talk’ sa kanilang mga senatorial aspirant upang matukoy na kapareho ng kanilang programa ang nais din ng mga ito.
“Kakausapin namin sila kapag talagang nakarinig tayo na ang endorsement nila ay pareho ng programa namin, ‘yun ang ipupursige namin tulad ni Raffy Tulfo kahapon idineklara nya na si Senator Lacson ang presidential candidate niya,” pahayag ni Sotto.
Sinabi ni Sotto na una nilang kakausapin ang anim na miyembro ng Nationalist People’s Coaliotion na kasama sa kanilang listahan.
Nagpahiwatig naman ang lider ng Senado na ang magreretirong si PNP chief Guillermo Eleazar ang kanilang tinutukoy na surprise senatorial candidate.
Ito ay nang sabihin na idedeklara niya ang surprise candidate matapos ang November 13 na petsa ng retirement ni Eleazar.
“After November 13. November 13 pa siya pwede,” pahayag ni Sotto.

Leave a Reply

%d bloggers like this: