KAPPA VARIANT NASA PILIPINAS NA

KAPPA VARIANT NASA PILIPINAS NA

HUNYO pa dumating sa Pilipinas ang unang kaso ng COVID-19 Kappa variant o B.1.617.1 na isang lalaking pasyente mula sa Pampanga ngunit kamakailan lamang ito natukoy ng ng Department of Health (DOH).

Nitong Lunes, kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang unang kaso ng B.1.617.1 variant sa bansa na isang local case, isang 32-anyos na lalaki mula sa Floridablanca, Pampanga.

Magaling naman na umano ang pasyente at nagkaroon lamang ng mild na sintomas ng sakit.

Nakolekta ang sample nito noong Hunyo 2, 2021 pa, kung kailan ang B.1.617.1 variant ay itinuturing pa lamang na variant of interest. Pero simula noong Setyembre 20, ang naturang variant ay itinuturing na bilang ‘variant under monitoring’ ng World Health Organization (WHO).

Tiniyak naman ni Vergeire na masusi nilang iimbestigahan ang naturang kaso upang makakuha pa ng dagdag na impormasyon kung paano nakaratig ito sa Pilipinas.

“Further investigation is being done by our regional epidemiology and surveillance unit in order to gather more information on this case and there is strict monitoring of this case and the community,” pagtiyak pa niya.

Ang Kappa variant ay nagmula sa lineage na kahalintulad ng sa Delta variant at unang natukoy sa India noong Oktubre 2020.

Leave a Reply

%d bloggers like this: