LINGGUHANG PRESIDENTIAL DEBATES, IGINIIT

LINGGUHANG PRESIDENTIAL DEBATES, IGINIIT

Isinusulong ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang buwanang debate sa pagitan ng lahat ng mga presidential aspirants para malaman ng mga botante ang plataporma nito lalo na at nahaharap ang bansa sa mga problema partikular ang COVID-19 pandemic at kawalan ng trabaho.

                Sinabi ng kongresista na ito ang nakikita nitong paraan para malaman ng taumbayan ang plano ng mga ito sa bansa sakaling manalo sa darating na 2022 national elections.

                “We keep telling people, let’s be objective, facts tayo, huwag tayo emosyon, but we’re not giving them the venue to do that. So ang nangyayari ngayon, kanya-kanyang kampanya, kanya-kanyang kampihan, but we’re not giving the public the venue na mai-side-to-side ang mga kandidato,” sabi ni Cayetano.

Panukala nito na sa loob ng 15 linggo ay dapat na magkaroon ng one-one-one debates ang anim na nangungunang presidential candidates sa pamamagitan ng round-robin basis.

                “I think mahihimay natin nang husto lahat ng kailangan natin himayin, qualification, track record, ability, foresight, vision, lahat ng gusto natin i-extract sa isang kandidato,” aniya pa.

“Masyado nang malaki ang problema ng COVID, hindi naman natin gustong magpalabas ng debate na wala lang ginawa kundi lang mag-disagree for the sake of disagreeing,” dagdag nito.

Partikular na dapat maging laman ng debate ang isyu hinggil sa COVID-19 response, health, economy, wages and employment, kahirapan at kagutuman, kurapsyon, stimulus measures para sa mga displaced workers, law enforcement, values in government, peace and order, environmental sustainability, at foreign relations.

Leave a Reply

%d bloggers like this: