NO VACCINE, NO 4PS SUBSIDY PINALAGAN NI VP LENI ROBREDO

NO VACCINE, NO 4PS SUBSIDY PINALAGAN NI VP LENI ROBREDO

PINALAGAN ni Vice President Leni Robredo ang panukala na tanggalan ng subsidiya ang mga benepisaryo ng 4Ps na hindi magpapabakuna na umano’y labag sa batas.

Iginiit ni Robredo na hindi maaaring ipitin ng pamahalaan ang pera na para sa mga benepisaryo dahil sa hindi naman kasama sa 4Ps Law ang COVID-19 vaccination sa mga kundisyon para mabigyan ng ayuda.

“Hindi ako naniniwalang tama ‘yon at di pwedeng i-withhold ’yong nararapat na nilang matanggap,” giit ni Robredo.

“Pag tiningnan nating ang 4Ps na batas hindi naman kondisyon ang pagbabakuna [sa COVID-19] don… Wala do’n anything about COVID vaccines. So, di puwedeng i-withhold ‘yon based on non-vaccination dito sa COVID,” dagdag pa niya.

Kasama lamang sa mga kundisyon ng batas ay ang patuloy na edukasyon ng mga anak ng mga benepisaryo, partisipasyon sa mga seminar, regular na check-up ng mga buntis, at pagpapabakuna ng mga bata laban sa ibang sakit.

Kapalit nito, iginiit ni Robredo na magbigay na lamang ang pamahalaan ng insentibo sa tao para mahikayat sila lalo na magpabakuna laban sa COVID-19.

Leave a Reply

%d bloggers like this: