PAGPAPALAKAS NG COVID RESPONSE, TARGET SA 2022 BUDGET

PAGPAPALAKAS NG COVID RESPONSE, TARGET SA 2022 BUDGET

KINUMPIRMA ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara na marami sa mga amendments na kanilang isinulong sa P5-trillion budget para sa 2022 ay nakapokus sa pagpapalakas ng pandemic response ng gobyerno.

Sinabi ni Angara na kabilang sa amendments ang benepisyo sa health frontliners, booster vaccines at as assistance sa mga apektadong sektor.

Binigyang-diin ni Angara na isinasapinal na nila ang committee report para sa panukalang budget na kanilang ilalatag sa plenary deliberations.

“Many of the committee report amendments are still about our [COVID-19] response and health-related interventions: salaries benefits and allowances of health workers; added funds for booster vaccines, testing, tracing; improving health facilities; funding of medical scholarship law,” saad ni Angara.

“Even the recommendations of our vice-chairpersons for the departments they handle are to learn to cope or live with the virus: help to affected sectors; helping our school system adjust to the resumption of face to face classes, among others,” dagdag nito.

Ang committee report sa proposed 2022 General Appropriations Act ay target isponsoran sa plenaryo ng Senado ngayong Martes (November 9).

 

Leave a Reply

%d bloggers like this: