BARANGAY HEALTH CENTERS, IPINATATAYO SA BUONG BANSA

BARANGAY HEALTH CENTERS, IPINATATAYO SA BUONG BANSA

Umapela si dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa pamahalaan na magtayo ng mga health centers sa lahat ng barangays sa buong bansa sa lalong madaling panahon.

                Ayon kay Cayetano, walang dahilan para mabalam ang nasabing proyekto lalo na at nalalapit nang matanggap ng mga local government units (LGUs) ang karagdagang pondo nito sa ilalim ng Supreme Court ruling sa susunod na taon.

Anoya, 45 porsiyento o kabuuang 18,000 barangay sa buong bansa ang wala pa ring sariling health centers.

“Madaling gawin ‘yung health center, medyo mas matagal orderin ‘yung gamit, pero ‘yung doktor matagal gumraduate. So if we don’t start now, kailan pa tayo magkakaroon ng health center sa bawat lugar sa Pilipinas?” pag-uusisa nito.

Sa ilalim umano ng Mandanas-Garcia ruling, nagdesisyon ang SC na dagdagan ang internal revenue allotment (IRA) ng mga LGUs ng 27.61 porsiyento o katumbas ng P300 bilyon sa susunod ng taon.

Maliban umanos sa mga itatayong health centers, magagamit din ang nasabing dagdag na pondo para magkaroon ng karagdagang barangay frontliners kabilang ang mga medical workers.

Leave a Reply

%d bloggers like this: