DAGDAG 10% PROPERTY TAX DISCOUNT SA QC, INIHIRIT

DAGDAG 10% PROPERTY TAX DISCOUNT SA QC, INIHIRIT

Nanawagan si Anakalusugan party list Rep. Mike Defensor sa Quezon City government na bigyan ng karagdagang 10 porsiyentong diskuwento sa real estate taxes sa mga property owners sa Quezon City sa darating na Enero 2022.

Paliwanag ng kongresista, malaking tulong aniya ito sa mga QC residents para makaluwag sa dinaranas na kahirapan dulot ng pandemya.

“This would be a pandemic relief to city residents and those who own pieces of real estate in Quezon City,” aniya.

Sinabi ni Defensor na sa kasalukuyan, ang mga real estate owners sa lungsod ay mayroong 20-percent discount kung maagang magbabayad ng buwis para sa buong taon.

“That is their entitlement for advancing their payments. On top of that, the city should give them a 10-percent discount because of the Covid-19 pandemic. It’s a way of helping and giving back to taxpayers,” sabi ng kongresista.

“Real estate revenues are just a small fraction of the city’s income. The bigger part comes from business taxes,” dagdag nito.

Binanggit pa ng mambabatas na base sa natanggap nitong impormasyon ay kumita ang QC government ng P22 bilyon noong nakaraang taon mula sa local taxes at sa internal revenue allotments (IRA).

Leave a Reply

%d bloggers like this: