P750 MINIMUM WAGE BILL, IPASA NA

P750 MINIMUM WAGE BILL, IPASA NA

Umapela ang Makabayan bloc sa Kamara sa mga kapwa nito mambabatas na agad na ipasa ang House Bill no. 246 o ang National Minimum Wage bill upang makatulong sa patuloy na pagtaas ng ilang produkto dahil sa sunud-sunod na price hikes.

Sa ilalim ng HB 246 layon nito na magpatupad ng uniform national minimum wage rate na P750 para sa mga private sector workers.

Idinagdag pa ng Makabayan bloc na dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay naging triple na ang suliranin ang mga Filipino.

Kaugnay nito sinabi ng mga militanteng grupo na sa kasalukuyan ang minimum wage earners ay masyadong mababa para sa paggastos sa pamilya.

Sa National Capital Region (NCR) workers, nasa P537 kada araw ang suweldo ng mga manggagawa habang ang Bicol region naman ang nakapagtala ng pinakamababang suweldo na nasa P310 kada araw.

Ayon pa sa mga ito, base sa NEDA, ang isang pamilya na may 5 miyembro ay nangangailangan ng P1600 kada araw o P42,000 kada buwan para makapamuhay ng maayos ngunit sa tunay na sitwasyon ay malayo itong mangyari.

Giit pa ng Makabayan bloc, ang P750 National Minimum Wage Bill ay matagal nang nabinbin kung saan noong 17th at 18th Congress pa noong ihain ito subalit hanggang ngayon ay hindi pa dumaraan sa deliberasyon

Leave a Reply

%d bloggers like this: