MGA BOTIKA, PHARMACY, GAWING IMBAKAN NG BAKUNA

MGA BOTIKA, PHARMACY, GAWING IMBAKAN NG BAKUNA

Kinalampag ng isang kongresista ang Inter-Agency Task Force (IATF) at National Task Force COVID na kuhanin ang serbisyo ng mga botika at iba pang pharmacy networks para mapag-imbakan ng mga COVID-19 vaccines.

                Ayon kay ACT-CIS Party-list Rep. Jocelyn Tulfo malaki ang maitutulong ng mga pharmacy networks sa bansa tulad ng Mercury Drugs, Watsons, The Generics Pharmacy, at Southstar na pawang may distribution systems at cold storage sa mga sangay nito sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Maliban dito, dapat din aniyang kuhanin ang school clinics para mapadali ang pagbabakuna.

“The pharmacy networks have the distribution systems, cold storage, and branches needed to get the jabs done faster and better,” sabi ni Tulfo, vice-chair ng House Committee on Sustainable Development Goals.

“They have their own teams of doctors, nurses, and other health care professionals who can inject the vax doses into the arms of people. Major private pharmacy networks and school clinics willing to get involved in the COVID vaccine rollout should now be allowed to help distribute and jab millions of doses the national and local governments have been unable to get into the arms of Filipinos fast enough. They can be part of the three-day national vax drive,” dagdag pa ni Tulfo.

Inihalimbawa pa ng mambabatas ang ginagawa sa Estados Unidos na ang mga pharmacy networks ay may mahalagang tungkulin sa pagbabakuna sa mga mamamayan nito.

“Sa Amerika, pwede kang magpabakuna sa mga supermarket gaya ng Walmart at mga botika gaya ng CVS. Kaya mabilis ng vaccine rollout nila du’n. Kung sinasabi ng gobyerno na may sapat na bilang na tayo ng bakuna, pwede na nating gayahin ang best practices sa ibang bansa. Para rin maiwasan natin ‘yung mga sitwasyon na daan-daang libong bakuna ang mag-e-expire na, pero di pa rin naituturok,” paliwanag pa ni Tulfo.(

Leave a Reply

%d bloggers like this: