BAKUNA SA KABATAAN, MADALIIN – CAYETANO

BAKUNA SA KABATAAN, MADALIIN – CAYETANO

Nanawagan si dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa pamahalaan na madaliin ang pagbili ng bakuna para sa isasagawang mass vaccination sa mga menor-de-edad.

                Ayon sa kongresista, nagtataka ito kung bakit hindi nakakakuha ng malaking supply ang bansa ng bakuna mula sa ibang bansa.

 “So alam nating lahat ang sagot talaga ‘yung bakuna e. Pero ‘yung national government, bilis-bilisan natin ‘yung pag-procure. Ano’ng problema, bakit hindi tayo nakakakuha ng bulto ng bakuna?” tanong ni Cayetano.

“Yes, we’re meeting our target now, pero ngayon pwede na ang 12 years old, very soon, below 12 years old. Pretty soon, ‘yung booster kailangan,” dagdag nito.

Aniya, nasa 28.7 milyong Filipino ang nabakunahan na katumbas ng 37.2 porsiyento ng kabuuang 70 milyon na target ng gobyerno.

Ikinalungkot ng dating House Speaker na dinaig ang Pilipinas ng bansang Malaysia na nakakuha ng karagdagang 40 milyong doses ng Pfizer-made COVID-19 vaccines sa noong nakalipasa na buwan ng Agosto kung ikukumpara sa 32.7 milyon ng populasyon.

 “So ako naghihintay ako, kung 100 million tayo, kailan magde-deliver ng 50 million doses ng isang bagsakan lang? Kailan magde-deliver ng 100 million,” pag-uusisa ni Cayetano.

“Maraming LGU na may pera, maraming wala pera. So kung wala silang pera, mahirap sisihin, or kaya may pera sila, pero naunahan na sila ng malalaking LGUs sa doktor, sa nurse and everything,” dagdag nito.

Sinabi pa nito na ang mga provincial governments ay dapat na magsigurong pantay ang pamamahagi ng bakuna at medical staff sa kanilang mga nasasakupan upang walang maiwanan na hindi nababakunahan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: