SOLUSYON SA CLIMATE CHANGE, ISAMA SA PLATAPORMA SA ELEKSYON

SOLUSYON SA CLIMATE CHANGE, ISAMA SA PLATAPORMA SA ELEKSYON

Nanawagan si Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda na dapat na unahing solusyunan sa 2022 national elections ang problema sa climate change para makatulong sa bansa na makabangon sa COVID-19 crisis.

                Sa virtual Ugnayan sa Batasan news forum, sinabi ni Legarda na nakikiusap ito sa mga kandidato sa susunod na eleksyon na isama ang climate action sa kanilang mga nasasakupan sa COVID-19 recovery plans.

“I would like to see a candidate who will really espouse the climate agenda [which is currently] not in the national conversation. Ano ang ihahain sa taumbayan para hindi na magkasakit at hindi na lumala ang ating mga nararanasan ngayon sa panahon ng tag-init, tag-tuyot at ‘yong paghihirap ng ating mga magsasaka?” tanong nito.

“I am certain that every Filipino sees the impacts of climate baka hindi lang naa-attribute na ‘yan ay klima. So, I ask all our national candidates to lay out their climate agenda and what they’ve done in their lives for the environment or what they intend to do and can do. That would be ideal,” dagdag pa ni Legarda.

Aniya, magiging epektibo ang paglaban sa pandemya kung isasama ang pagtalakay sa climate pathway.

“Let us bring the issue of climate and environment in the national pandemic recovery. There is no recovery from COVID-19 unless we attack it on the issue of environment and climate. A pandemic recovery is essential to our survival if we align it to the climate pathway,” paliwanag nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: