ALERT  LEVEL 1 SA MM, WAG MUNA -SOLON

ALERT LEVEL 1 SA MM, WAG MUNA -SOLON

Nagbabala ang isang kongresista sa pamahalaan na magdahan-dahan sa pagdedesisyon na ilagay sa alert level 1 ang Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.

                Ayon kay  Senior Citizens paty list Rep. Rodolfo Ordanes kailangang doblehin ng Inter-Agency Task Force ang pag-aaral ng mga ito bago tuluyan ilagay sa pinakamababang antas ang restriksyon sa MM.

                Aniya, kung ipapatupad ng pamahalaan ang Alert Level 1 ay dapat na makapagtala ang MM ang mababang 5 porsiyentong positivity rate; 70 porsiyento ng mga seniors ang nabakunahan na at 70 porsiyento ng  mga may comorbidities ay bakunado na rin.

“Sa ngayon, sapat na muna ang Alert Level 2. Sa pagpasyal ko sa mga business establishments dito sa Metro-Manila at probinsya, natutuwa akong makita na sinusunod ng mga business owners, empleyado, at customers ang  tamang pagsusuot ng face masks, tamang pagdi-disinfect, at tamang physical distancing. Good job ang mamamayang Pilipino,” sabi ni Ordanes.

Idinagdag pa nito na suportado nito ang panawagan ng Metro Manila Council na itigil na ang pagsusuot ng face shields dahil hindi naman napapatunayan na nakakatulong ito para mapigilan ang pagkahawa sa COVID-19 virus.

“Banaag ko ang ningning sa mata ng mga customers – bata man o gaya kong senior citizens. Sang-ayon ako sa rekomendasyon ng DILG at Metro-Manila Council na itigil na natin ang sapilitang pagpapasuot ng face shield sa pampublikong lugar gaya ng shopping malls,” paliwanag nito

Leave a Reply

%d bloggers like this: