BONG GO, SASABAK SA PRESIDENTIAL ELECTIONS

BONG GO, SASABAK SA PRESIDENTIAL ELECTIONS

MATAPOS mag-withdraw sa pagiging kandidato sa pagka-Pangulo si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, naghain naman ang kanyang kandidato sa Presidential elections ang ka-tandem nitong si Senador Christopher ‘Bong’ Go.

Unang nagtungo sa tanggapan ng Commission on Elections si dela Rosa para sa withdrawal ng kanyang Certificate of Candidacy.

Kasama naman ni Go si Pangulong Rodrigo Duterte para sa withdrawal ng kanyang kandidatura bilang Bise Presidente sa ilalim ng PDP-Laban at saka inihain ang Certificate of Candidacy bilang Pangulo sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan o PDDS.

Sa panayam, sinabi ni Go na nagdesisyon siya at ang PDP-Laban ksama si Pangulong Duterte na kumandidato sa pinakamataas na posisyon upang maipagpatuloy ang mga programang nasimula ng Duterte Administration.

Amiando si Go na nasagasaan siya at kinakailangan niyang umiwas upang hindi masaktan ang Punong Ehekutibo kaya’t umakyat ng posisyong tatakbuhan.

“Ako po ay kandidato na noong nakaraang araw, 40 days na po akong kandidato bilang Vice President. Ako po ay nasagasaan, tao lang po ako. Senador po ako, public servant po ako. Meron akong partido, nasagasaan po ako, nadapa po ako. Kailangan ko po bumangon para sa mga kapartido ko, at sa sambayanang Pilipino lalo na po kay Pangulong Duterte. Kailangan ko lumaban para sa kanila. Kailangan ko lumaban. Save the legacy, save the party, save the Filipino people. Ipagpapatuloy ko po ang pagbabago, tuloy ang serbisyo, tuloy ang malasakit,” pahayag ni Go.

Tumanggi naman munang kumpirmahin o itanggi ni Go ang posibilidad na maging ka-tandem niya si Pangulong Duterte.

“Sa ngayon po ang masasagot ko muna yung Go muna. Antayin na lang po muna natin ang desisyon ni Pangulong Duterte,” diin ni Go

Leave a Reply

%d bloggers like this: