P500 KADA BUWANG PENSYON SA INDIGENT SENIOR CITIZEN, IGINIIT

P500 KADA BUWANG PENSYON SA INDIGENT SENIOR CITIZEN, IGINIIT

Makakatanggap ng P500 kada buwang pensyon ang mga indigent senior citizens sa loob ng tatlong buwan sa halip na anim ng buwan sa susunod na taon.

                Nabatid na ilalabas na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasabing social pension sa mga mahihirap na senior citizens para maibigay sa susunod na taon na nakapaloob sa DSWD Memorandum Circular No. 16 na inilabas ni Secretary Rolando Bautista recently.

Nakabase ito sa Resolution No. 1047 na iniakda ni House Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa ginanap na deliberasyon ng budget ng DSWD.

Sinabi ni Rodriguez na malaking tulong sa pangangailangan ng mga nakatatanda ang nasabing financial assistance para sa kanilang pagkain at gamot lalo na ngayong may Covid-19 pandemic.

“How can seniors pay for food, check-ups, medicines, vitamins, and other necessities if their pension is paid every six months?” tanong ng kongresista.

Pinasalamatan ni Rodriguez si Bautista dahil sa agarang pagtugon nito sa apelang ilabas ang pondo sa pensyon kada tatlong buwan sa halip na anim na buwan.

Una nang may hiwalay na House Bill No. 9459 na inihain ni Rodriguez na naglalayong doblehin ang social pension ng mga indigent senior citizens at gawing P1,000  kada buwan ang matatanggap na pensyon ng mga ito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: